When I feel like saying something, I say it.
Home    Info    Ask
About: 
The name is Khadijah. Yes, I am a Muslim. No, I am not a terrorist. An Engineering student.


When I get kilig, I blog. When I feel sad, I blog. When I feel happy, I blog. When I wake up in the morning, I blog. When I feel like blogging, I go on Tumblr. I'm a pleasure to be around when things get crazy. I can be honest and sarcastic at the same time, you won't even know the difference.


If you got a problem with me, try solving it by yourself. Think that I'm tripping? Tie my shoe and I will say thank you with a smile. Can't stand me? Sit down and cool down. Really can't face me? Turn around or get a life of your own which will make you happy.

Facebook     Twitter     Flavors.me     

"Spin Madly On" theme by Margarette Bacani. Powered by Tumblr.
Kwentong katatakutan tayo.

Noong 2nd year high school, nakatira ako sa Tita ko, kapatid ng Mama ko. Nakatira kami sa isang subdivision, looban at masukal ang papasok dun. Isang gabi, inutusan ako ng Tita ko na hatiran ng ulam yung pinsan ko na halos kapit-bahay lang naman. Malapit lang naman yung bahay nilang magasawa, siguro 100meters away lang sa bahay  namin. So pumunta ako dun. Madilim yung daanan papunta sa kanila, wala kasing poste ng mga ilaw dun. Pagdating  ko dun, walang tao. Patay yung mga ilaw sa buong bahay. Pero nagbakasakali parin ako.

“Tao po? Kuya Mike? Ate Beth?” 

Walang sumasagot.

Sinamahan ako ng mga alaga naming aso doon sa bahay ng pinsan ko.  Apat na aso yung kasama ko nun. Nagtataka ako kasi lahat sila eh nasa may pinto lang ng bahay. Tinutulak nila yung pinto gamit yung ulo nila. Tapos kinukuskus yung mga paa nila sa babang parte ng pinto.

Ilang sigundo ang makalipas, may mga yapak akong narinig. Tunog ng mga paang naglalakad. Nanggaling ito sa loob ng bahay ng pinsan ko. Syempre kahit papano kinabahan ako. Pero ayon, nagtapang tapangan. Sumilip ako sa bintana pero wala akong nakita. Papalakas ng papalakas yung mga yapak. Dahan dahan akong lumayo at tinawag yung mga aso. 

“Wala naman yatang tao dito. Tara na.” Kinakausap ko yung aso. Para kunyare hindi takot.

Paguwi ko kinuwento ko sa Tita at Tito ko yung nangyare, sabi nila wag ko nalang raw banggitin sa pinsan ko dahil matatakutin yung misis nya.

Nalaman ko na dati raw may nakitang bangkay sa kabinet sa ilalim ng lababo ng bahay na yun. Bangkay ng isang babaeng minolestya.

  1. khadx097 posted this