When I feel like saying something, I say it.
Home    Info    Ask
About: 
The name is Khadijah. Yes, I am a Muslim. No, I am not a terrorist. An Engineering student.


When I get kilig, I blog. When I feel sad, I blog. When I feel happy, I blog. When I wake up in the morning, I blog. When I feel like blogging, I go on Tumblr. I'm a pleasure to be around when things get crazy. I can be honest and sarcastic at the same time, you won't even know the difference.


If you got a problem with me, try solving it by yourself. Think that I'm tripping? Tie my shoe and I will say thank you with a smile. Can't stand me? Sit down and cool down. Really can't face me? Turn around or get a life of your own which will make you happy.

Facebook     Twitter     Flavors.me     

"Spin Madly On" theme by Margarette Bacani. Powered by Tumblr.
LDR o Long Distance Relationship

dalagindingg:

Wala namang masyadong pinagkaiba yung ganitong klase ng relationship kumpara mo sa ibang relationships kung saan malapit lang sa iyo yung taong mahal mo. Nagkakatalo lang to sa distansya niyo sa isa’t-isa. Katulad ng ibang relationships, kelangan mo lang magtiwala at magmahal.

Bilang isang indibidwal na nakaranas na ng LDR, ito lang ang mga maipapayo ko sa mga balak pumasok at kasalukuyang nasa isang LDR ngayon:

  • Wag kang matakot na pumasok sa isang Long Distance Relationship. Iwasan mong isipin na baka magloko siya, baka ipagpalit ka niya kasi malayo kayo etc. Lahat naman ng tao, LDR o hindi ay takot pumasok sa isang relasyon na walang tiyak na kasiguraduhan. Tatagan mo ang sarili mo. 
  • Wag niyong puputulin ang communication niyo sa isa’t-isa. Maghanap kayo ng means of communication niyo~ Mapa-skype man yan, phone calls, texts, chat and messages sa fb, importante yan. Wag niyong kalimutan ang isa sa mga bagay na nagkonekta sa inyong dalawa: komunikasyon.
  • Wag agad maniniwala at magpapaapekto sa mga nakikita mo o nababasa mo sa facebook. Minsan kasi, ang isang lalaki o babae ay may mga naiwang pictures or notes na isinulat niya tungkol sa past love niya. Isa pa, dahil nauso ang timeline sa fb, wag ka ng magpaapekto kung may nakita kang mga wallposts galing sa ex niya na may nakalagay na “I love you hon” etc. Tandaan mo na nakaraan na yun. 
  • Gawin mong special ang bawat oras na kausap mo siya. Maglambingan kayo sa fone, mag-asaran kayo, tratuhin mo siya na parang bestfriend mo para mas cool at mas special ang bawat oras na kausap mo siya.
  • Pakinggan mo ang mga sinasabi niya. Pay particular attention sa bawat salitang sinasabi niya. Hindi naman kasi magshe-share sa iyo ng story yung tao kung ayaw niyang malaman mo.
  • Listen to his/her side of the story. Hayaan mo siyang mag-explain. Sigurado naman akong may rason kung bakit niya nagawa ang isang bagay na kinagalitan mo. 
  • Hayaan mo siyang magselos. Normal lang magselos. Ang layo niyo eh! Kahit nasa stage pa lang kayo ng ligawan at nagsisimula siyang magselos, hayaan mo siya. Dapat nga matuwa ka kasi kahit malayo kayo, gusto niya, sa kanya ka lang.
  • Be open to each other. Kahit ano pa yang pinakatatagong sikreto ng buhay mo, sabihin mo sa kanya. One way or another, may karapatan siyang malaman ang mga iyan. Kung dumating man sa point na bigla ka niyang iwasan o iwanan, at least alam mo sa sarili mo na wala kang itinago sa kanya.
  • Magtiwala at maniwala ka sa kanya.  Iwasan ang mga tamang hinala. Dahil ang mga tamang-hinala ang madalas na malaks makasira sa isang relasyon. Maging tapat kayo sa isa’t-isa para iwas TH.
  • Mag-focus ka sa kanya. Hindi naman kelangan na siya lang ang kelangan lagi mong kausap or what o kaya sa kanya mo lang papaikutin ang mundo mo. Ang ibig kong sabihin eh ituon mo sa kanya ang buong atensyon mo sa tuwing magkausap kayo at wag mo ng i-dare magfocus sa ibang tao.
  • Give him/her time alone. Bawat tao kelangan ng ‘me-time’. Hayaan mo siyang lumabas kasama ang mga kabarkada niya. At the end of the day, kung mahal ka naman niya talaga, sa iyo at sa iyo pa rin uuwi yan.
  • Mahalin mo siya na para bang walang bukas. Sa layo niyong dalawa, kelangan mong iparamdam sa kanya kahit thru words lang ang wagas na pagmamahal. Kung alam mo namang deserving siyang mahalin, bakit mo titipirin ang pagbibigay ng pagmamahal diba? :)

Naniniwala ako na walang relasyon na perpekto. Mapa-LDR man yan o malapit ka lang sa taong minamahal mo, kung gagawa ka ng mga paraan para manatili siya sa buhay mo at ganun rin siya sa iyo, paniguradong magtatagal kayo.

(Source: whenalspeaks)

  1. fearlesspixie reblogged this from whenalspeaks
  2. karenitadeamore reblogged this from breediculouslife
  3. matt1012 reblogged this from khadx097
  4. ilaughicried reblogged this from breediculouslife
  5. venaamoriss reblogged this from whenalspeaks
  6. pinklavenderpie reblogged this from breediculouslife
  7. ithinkiamperfect4him reblogged this from khadx097
  8. cindheelicious reblogged this from littlemissmahinhin
  9. khadx097 reblogged this from whenalspeaks
  10. littlemissmahinhin reblogged this from breediculouslife and added:
    Wala namang masyadong pinagkaiba yung ganitong klase ng relationship kumpara mo sa ibang relationships kung saan malapit...
  11. abkdvanessa reblogged this from breediculouslife and added:
    saktuhan ‘to o.
  12. breediculouslife reblogged this from whenalspeaks
  13. whenalspeaks posted this