
Ningas-kugon
Panandalian, di pang-matagalan. Panay ang suyo sayo sa simula kasi “challenging” eh. Pero pag nakuha ka na, ayan na, dahan-dahang mawawala. Paikli ng paikli ang reply. hanggang sa hindi na nga magrereply. Mas madalas pang “lowbat” ang cellphone kesa sa walang load.
Paasa/Malandi
Madalas nagsisismula sa text. Araw-araw kang magpapaload, paano ba naman eh gabi gabi mong katext. Waw, bongga! Parang mas close na kayo kesa sa bestfriend mo. Share kunyare ng secrets. Tapos pag nagkikita kayo sa personal, halos hindi ka nya matingnan. Sasabihin nya sayo, “Nahihiya kasi ako sayo eh.”. Ipaparamdam sayo na mahalaga ka. Na importante ka. Tapos sa huli, marerealize mo na hanggang sa pagiging “mahalaga at importante” ka lang pala. Kasi iba yung totoong mahal nya.
Assuming/Feeling
Minsan may mga lalaking sadyang mali lang ang ginagawang pagiintindi sa mga bagay-bagay. Hindi naman ibigsabihin nito eh “Paasa” ang babae eh. Gumawa ka lang ng maganda, i-comfort siya, maging makulit sa kanya, minsan eh namimisinterpret nya na may gusto ka sa kanya. Ayan tuloy, lumayo ang loko.
Totoo
Sa panahon ngayon, hindi nyo naman masisisi ang mga kababaihan kung sasabihin nilang madalang na silang makakakita ng isang totoong lalaki eh. Minsan ka na nga lang makakita ng gwapong lalaki, bakla pa. Minsan mo na nga lang matagpuan ang prince charming mo, manloloko pa. Minsan ka na nga lang magka-love life, iiwan ka pa para sa iba. Kaya nga swerte ng mga babaeng may karelasyon ngayon eh. Yung meron partner hindi lover.
Manloloko/Two-Timer
Ito yung mga taong kapag nakakasabay mo eh dapat tinatanong mo kung anong oras na. Kapag sinagot ay hindi nya alam, sabihin mo “Dapat alam mo. Diba two-timer ka?”. Lewl. Anyway, manloloko. Anong pagpapaliwanag pa ba ang kailangan kong sabihin. Ito yung mga lalaking hindi makontento sa isa. Sila yung mga taong stick to one… +1+1+1+1+1+1 and so on.
(Source: khadx097)
Panandalian, di pang-matagalan. Panay ang suyo sayo sa simula kasi “challenging” eh. Pero pag nakuha ka na, ayan na,...